halika na’t magbakasyon, TARA NA sa LA UNION!
Sabi mo, “Laro tayo”; Akala ko “Surfing”; Yun pala “Feelings”
Czaeena Malasig
ANG DAGAT NA LAGING HINAHANAP
Bakasyon na! May naisip ka na bang pwedeng puntahan? Ang gusto mo bang puntahan ay dagat? at may magandang klima? Gusto mo bang matutunana kung paano mag-surf? Gusto mo bang matutunan ang kultura, at mga gawi ng mga Ilocano? Matikman ang mga nagsasarapang putahe nila na galing pa sa dagat at mga bilihing hindi masakit sa bulsa? Kung ganun, halika na’t lakbayin natin ang lugar ng La Union!
Ang La Union ay isa sa mga kilalang probinsiya sa bansa ng Pilipinas. Matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa isla ng Luzon. Ang capital nito ay ang San Fernando. Ang La Union na nangangahulugang “The Union” , ay nabuo noong 1850 sa dahil sa pagsama-sama ng iba’t ibang bayan mula sa karatig na mga probinsiya ng Ilocos Sur, Pangasinan at Benguet.

Kung ikaw ay mula sa lungsod ng Baguio, at nais mong makapunta sa La Union gamit ang bus, maraming mga terminal ang nag-aalok papuntang La Union. Mayroon sa Victory Liner, sa may bandang PNR compound, Utility Road, na may presyong Php 120 para sa mga estudyante at Php 170 naman para sa mga regular. Sa mga nagnanais naman na gumamit ng Genesis Transport, na may presyong Php 250 hanggang 350. Ito ay matatagpuan naman sa may Session Road.
Ang paglalakbay mula sa bus ay magtatagal ng higit, kumulang isang oras depende sa bus nasasakyan.
Mula sa bus, makikita na natin ang arko ng La Union! Sasalubong saatin, at magsisilbing hudyat na tayo ay nasa Pugo na! Simulan na natin ang ating munting paglalakbay sa probinsya ng La Union. Nagsaliksik ka na ba? Handa ka na ba? Kung ikaw ay handa na, buhatin na ang iyong bag, ihanda na ang iyong kamera, at tara na’t maglakbay!
TAYO NA’T TUMUNGO SA PUGO!
Ang Pugo ay isang ika-5 klase na munisipalidad ng lalawigan ng La Union. Ayon sa senso noong 2015, ito ay may populasyon na 19,690 katao. Sa pagtungtong mo pa lamang sa La Union, marami ng sasalubong saiyo na sikat na lugar, kabilang na dito ang mga resort at mga kainan.

NAPAKARAMING AKTIBIDAD SA PUGAD!

Kung nangangailangan ka ng kaunting kilig na gigising saiyo, at ninanais mong subukan ang mga bagay na kapana-panabik at nakaka-aliw, kung isa ka sa mga nagnanais kumuha ng bagong karanasan at pakikipagsapalaran. Siguradong magugustuhan mo ang PUGAD. Ang PUGAD o P na sasalubong sa iyo kaagad kung ang iyong sasakyan ay dadaan sa MArcos Highway. Isa itong advnture sports center na susubok sa kakayahan ng bawat isa. Makikita din dito ang iba’t-ibang atraksyon na tiyak na pupukaw sa iyong atensyon.
ANG KAKAIBANG ARKITEKTURA NG KULTURA

Handa ka na bang magtampisaw sa mga malalaking alon? Handa ka na bang mag-slide sa mga higanteng slide? Kung ganoon, halika na’t puntahan naman natin ang Kultura Splash Wave! Sadyang napakabait naman talaga ng mga tauhan dito, kayo ay sasamahan papunta sainyong tutuluyan at magibibigay din sila ng iba’t ibang direksyon tungkol sa kanilang resort. Isa ito sa mga dapat puntahan ng mga turista dahil ito ay siguradong papawi ng inyong pagod.
LAGI MONG MATATANDAAN ANG GANDA NG ILOG NG TAPUACAN

Itinuturing pinakamalinis na ilog sa Norte. Ito ay isang ilog na matatagpuan sa Barangay Cares. Ang “Tapuakan” ay isang Ilocano na salita na nangunguhulugang “Lugar na maaring tumalon ng mataas”. Kung ang hanap mo naman ay malinis at natural na paliguan, dito ka na sa ilog ng Tapuakan.
HINDI KA MABIBIGO SA AGOO
Ihanda na ang iyong bagahe, pera, at sarili dahil tayo naman ay tutungo sa Agoo.

Sa Agoo, hinding – hindi ka maloloko, dahil matatagpuan dito ang isang sikat na simbahang Katoliko. 
Makikita mo dito ang sikat na iskultura ng agila na hindi lang nakakabighani, tandaan, hindi it isang guni-guni.
BASILICA MINORE OF OUR LADY OF CHARITY
Ang Basilica Minore of Our Lady of our Charity ay kilala din bilang Agoo Basilica, isang simbahan na itinalaga para kay “Our Lady of Charity”. Kaya’t ihanda na ang kamera, at kumuha ng mga magagandang litrato. Huwag din kalimutan magdasal at magpasalamat sa Panginoon.
PAHINGA MUNA, TARA KAIN!

MAKKAN RESTAURANT
Ang salitang “Makkan” ay nangangahulugang “pagkain” sa salitang Ilocano. Ang kainang ito ay naghahanda ng mga tunay na pagkaing Ilocano na siguradong mabubusog at makakatipid ang mga kakain. Matatagpuan ito sa McArthur Highway, sa Barangay Consolacion.
THE FARM AGOO
Kakaiba naman ang kainang ito, dahil ipaparamdam nito ang simpleng pamumuhay. Mayroong magagandang tanawin, at masasarap na pagkain na kasya sa buong pamilya. Matatagpuan sa San Pedro.
LA SOFIA GRILL AND RESTAURANT
Ang kanilang kainan ay naghahanda ng mga pagkaing pampamilya, pang barkada, at pang mag-asawa. Ang ga disenyo sa loob ay kamangha-mangha dahil sila ay may hardin na sadyang nakakabusog sa mata at punong-puno ng ilaw ang kanilang kapaligiran na isang agaw atraksyon din. Matatagpuan ito sa Dona Toribia Aspiras Road, San Antonio.
KAMBAK RESTAURANT
Isa sa mga kilala at dapat matikman na putahe dito ay ang sinampalukang kambing na nakakatakam naman talaga at mapapa-iling ka talaga sa asim. Matatagpuan ito sa Manila North Road.
BARAKA PLACE AGOO
Ito ay naghahain ng mga pagkaing Filipino, Italian, at American . Isang lugar na napaka-komportable. Ang mga tauhan dito ay mababait at mabilis din ang kanilang serbisyo. sila din ay nag-aalok ng spa. Matatagpuan ito sa San Miguel.
MARAMI DIN NAMAN PAIPAGMAMAYABANG ANG BAUANG
Ang Bauang ay isa ng munting bayan sa lalawigan ng La Union. Ayon sa senso noong 2015, ito ay may populasyon na 75,032 katao.
SIMULAN NATIN SA PAMIMITAS NG MGA PRUTAS

Lomboy at Gapuz Grape Farm
Isa sa mga atraksyon sa Bauang ay ang iba’t-ibang mga taniman ng mga grapes na sa Bauang mo lang mararanasan. Mura na, sulit pa! Kaya’t mamitas na!
MAGTAMPISAW NA SA MARAND RESORT AND SPA
Nag-aalok ng mataas na antas ng serbisyo para sa mga pamilya sa harap ng dagat. Marami at magaganda ang mga alok dito na mga atraksyon, sila din ay nag-aalok para sa mga kasal, hanimun o bakasyon para sa mga pamilya.
KAKAIBANG LUGAR NAMAN ANG SAN LUIS DEL MAR
Tampok ito sa mga magbabarkada, at mag kakapamilya na ang hanap ay ang resort na mayroong dagat at swimming pool. Dito, makikita mo ang kagandahan ng paglubog ng araw. May kamahalan, pero sulit. Ihanda ang iyong mga kamera dahil tayo ay kukuha ng mga larawang nakakamangha.
DUMAKO NAMAN TAYO SA SAN FERNANDO!

Ang San Fernando ay isang lungsod sa lalawigan ng La Union. Ayon sa senso noong 2015, ito ay may populasyon na 121, 812 na katao
TUMUNGO TAYO SA TEPLO NG MA-CHO

Ang Ma-Cho, Maz o Ma Cho Temple ay isang templo ng mga Taoist sa diyosa ng mga Tsino na si Mazu. Ito ay matatagpuan sa Quezon Avenue, Barangay II, San Fernando
HINTO MUNA SA MGA BUHANGIN, AT TUKLASIN NATIN ANG MGA HARDIN
Kung gusto mong tumakas mula sa polusyon at ingay ng lungsod, tiyak na magugustuhan mong lakbayin at tuklasin ang kakaiang hardin na ito. Ang hardin na ito ay nagpapakita ng iba’t-ibang mga halaman at hayop kasama ang kanilang siyensiyang pangalan. Matatagpuan ito sa Barangay Cadaclan, San Fernando.
HINDI KA NAMAN BIBIGUIN NG PINDANGAN RUINS

Binuo ng mga Espanya ang 1764 na simbahan na binabantayan ngayon ng Carmelite Sisters. Kung gusto mo namang mamahinga sa paglalangoy, at nais mong magdasal ng taimtim, at maglibt-libot, lakbayin mo na ang Pindangan Ruins!.
TUKLASIN NA NATIN ANG KAGANDAHAN NG SAN JUAN!

Ang San Juan ay isang munisipalidad sa lalawigan ng La Union. Ayon sa senso ng 2015, ito ay may populasyon na 37,188 katao.
IHANDA NA ANG SURFBOARD DAHIL SURFING NAMAN ANG ATING ISUSUNOD
Kilala ang San Juan dahil sa angking ganda ng mga karagatan dito. Dito din makikita ang nagsisitaasang mga alon, na kung saan maganda mag -“surfing”. Idinala mo na ba ang iyong kamera at pera? Tara na’t matuto mag-sufing!
TAPUSIN NATIN ANG ARAW NA ITO, SA CAMP AVENUE
Sa paglalakbay sa La Union, mas mainam na mamahinga. Ang Camp Avenue ay isa sa mga dapat puntahan ng mga manlalakbay at mga turista pagkatapos ng nakakapagod na mga paglalakbay. Dito mararanasan mong magpahinga at matulog sa mga tolda at ilalapag sa tabing dagat. Makikita mo dito ang napakagandang paglubog ng araw.
Follow My Blog
Get new content delivered directly to your inbox.











































